October 25 2022
Malaki ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa pagbaba ng supply ng dugo sa blood banks sa bansa.
At dahil marami pa ring pasyenteng nangangailangan ng blood transfusion, muling isinagawa ng GMA Kapuso Foundation ang Sagip Dugtong Buhay bloodletting project katuwang ang mga partners nito.
Katuwang ang Philippine Red Cross, nagsawa ng bloodletting project sa Philippine Military Academy sa Baguio City.
Nakisaya at nagbigay ng suporta ang ilang Sparkle stars dito tulad nina TessBomb, Julia Pascual, at Lyme Aranya.
Habang naroon, naghatid din ang GMA Kapuso Foundation ng gamot at antigen test kits sa Fort del Pilar Station Hospital at Baguio General Hospital and Medical Center sa tulong ng Rhea Generics at Philusa.
Nagpatuloy naman ang Sagip Dugtong Buhay bloodletting projects sa Metro Manila katuwang ang Naval Air Wing, Army Reserve Command, Saver Communications, at United Taguig Force Multipliers.
Sa kabuoan, nakalikom ng 942 blood bags ang GMA Kapuso Foundation.
"Lagi po nating tatandaan na there's no manufacturer or gumagaw ang dugo. It only comes from volunteer donors," paalala ni Jennelyn M. Terre, OIC ng PRC Baguio.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Medical Center Training Corporation, Mang Inasal, Dunkin', Eekos hotels, Sparkle GMA Artist Center, Ms. TessBomb, Ms. Julia Pascual, Ms. Lyme Aranya, Scientific Biotech Specialties Inc., Philippine Red Cross, Baguio General Hospital and Medical Center, V. Luna Medical Center, Philippine Military Academy, Naval Air Wing-Philippine Fleet, Reserve Command Philippine Army, Saver Comm-Main, Saver Comm-Taguig, BF Homes Almanza, at Ever Bilena Cosmetics.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus