GMA Kapuso Foundation, naghatid ng school supplies sa mahigit 2,000 mag-aaral sa Dinagat Islands
October 25 2022
By MARAH RUIZ
Isa ang Boa Elementary school sa Dinagat Islands sa mga paaralang winasak ng bagyong Odette.
Nagtitiyaga ang mga mag-aaral at guro ngayon sa mga makeshift classrooms na gawa sa pinatagpi-tagping kahoy at trapal. Tuwing may malakas na ulan at hangin, nababasa ang mga mag-aaral maging ang guro.
"Sobrang distracted na 'yung learning ng mga bata. Saka yung pagtuturo namin is sobrang hirap na po. Talagang 'yung boses namin as a teacher is talagang useful talaga sa mga bata [pero] after 3 days or 2 days, napapaos na kami," pahayag ng gurong si Joyce Tokong.
Bilang tulong sa mga mag-aaral dito, tinawid ng GMA Kapuso Foundation ang isla ng Dinagat para maghatid ng school supplies, hygiene kits at vitamins sa mahigit 2,000 kinder at grade 1 students sa ilalim ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa mga naging katuwang nito sa proyekto tulad ng Seaborne Shipping Lines; Viel's Shipping Lines; Johnson and Johnson (Philippines) Inc.; Propan; The Amery Luxury Palm Villas; DepEd Division of Dinagat Islands; Province of Dinagat Islands; AFP JTF-NCR; Philippine Army 4th Infantry Divison, 901st Infantry Brigade, at 1505th Ready Reserve Infantry Battalion.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus