GMA Kapuso Foundation, nagpatayo ng tatlong bagong silid-aralan sa Liloan, Souther Leyte | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagpatayo ang GMA Kapuso Foundation ng tatlong bagong silid-aralan sa New Malangza Elementary School sa Liloan, Southern Leyte.

GMA Kapuso Foundation, nagpatayo ng tatlong bagong silid-aralan sa Liloan, Souther Leyte

By MARAH RUIZ

Nai-turnover na ng GMA Kapuso Foundation ang tatlong bago at mas pinatibay na silid-aralan na ipinatayo sa ilalim ng Kapuso School Development project sa New Malangza Elementary School sa Liloan, Southern Leyte matapos itong masira ng bagyong Odette.

"'Yung ating walls ay solid na buhos para kahit gaano kalakas 'yung lindol, hindi siya masisira," pahayag ni Engr. Ed Eniego, senior engineer ng GMA Kapuso Foundation tungkol sa mga pinatibay na classrooms.

Nagpadala rin ng mesahe si Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

"This school building project built in one of the areas devastated by typhoon Odette in Southern Leyte is a testament to your commitment and dedication to the cause of helping our fellow Filipinos. This is a valuable gift to our learners of New Malangza," aniya.

Isa sa naging partners ng GMA Kapuso Foundation sa Kapuso School Development project ang Austrian Embassy.

"Every child is special. Every child is a gem. We cannot leave anyone behind so that's something where we we're here together," lahad ni H.E. Johann Brieger, Austrian Ambassador to the Philippines.

Bukod sa classrooms, may handwashing facility rin dito at station para sa malinis na inuming tubig na naipatayo sa tulong ng Xylem at Planet Water Foundation.

 

 


Nagtanim din ng mga puno malapit sa paaralan sa ilalim ng Kapuso sa Kalikasan project.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa proyekto ng Applied Medical-Netherlands; Meridian Shipping and Container Carrier Inc.; Mariwasa Siam Ceramics; Manila Water Foundation; Xylem; Planet Water Foundation; Concrete Stone Corp.; Austrian Embassy Manila; PPG Coatings (Philippines) Inc.; AFP JTF-NCR; Philippine Army 8th Infantry Division, 802nd Infantry Brigade, 14th Infantry Battalion, 53rd Engineer Brigade, at 546th Engineer Construction Battalion.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.