October 14 2022
Humaharap sa panganib ang mga residente ng Brgy. Umiray sa Dingalan, Aurora tuwing may bagyo.
Para makalikas, kumakapit sila sa lubid para makatawid sa mabato at rumaragasang ilog.
"Naglalagay po kami ng lubid, tig-kabilang dulo. Gumawa kami ng improvised na tulay para may madaanan lang 'yung mga tao," paggunita ni Juanito Borreo, barangay captain ng Umiray.
"Sobrang hirap po kasi kailangan naming magkapit-bisig. Pagka nakabitaw kami, dagat po 'yung didirestuhan namin," paliwanag naman ng residenteng si Rienna Mekitpek.
Taong 2011 noong nagkaron ng 50-meter hanging bridge sa lugar pero wala pang isang taon, nasira ito na dahil sa mga bagyo.
Kaya naman noong October 2021, hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng bago at konkretong 70-meter bridge ang Brgy. Umiray.
Nagdagdag din dito ng walong kable na may katamtamang laki upang mas mapagtibay ang tulay.
Kaya nang manalasa nag bagyong Karding sa Dingalan, Aurora, nasubok ang tibay ng tulay. Sa kabila ng malalaking hampas ng hangign at buhos ng ulan hindi nasira ang tulay.
Ito rin ang naging daan para sa mabilis at ligtas na paglikas ng mga residente. Nagbigay din ito ng liwanag nang mawalan ng kuryente sa lugar dahil sa solar lights na nakakabit sa tulay.
"Nagpapasalamat tayo sa Diyos na ang tulay natin sa Dingalan, Aurora, bagamat tinamaan--direct hit--ng bagyong Karding, hindi siya natibag," pahayag ni Rikki Escudero-Catibog, EVP and COO ng GMA Kapuso Foundation.
"Makikita natin dito 'yung mga tinawatag nating pillow block hinges. 'Yung ating tulay, naka-connect nang flexibly doon sa ating pinaka poste para kapag malakas ang hangin at gumalawy 'yung tulay, hidi siya lalaban at hindi magka-crack 'yung ating pinaka poste," paliwanag ni Engr. Ed Eniego, senior engineer ng GMA Kapuso Foundation.
"Kung wala po kasing tulay, baka po mas malaking pinsala, mas maraming napahamak kasi nga po sa ragasa ng tubig," lahad ng residenteng si Rienna Mekitpek.
Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyekto ang AFP NOLCOM at Philippine Army 7th Infantry Divison, 91st Infantry Battalion, Alpha Company.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus