GMA Kapuso Foundation, mabilis na namahagi ng tulong sa mga apektado ng bagyong Karding
September 26 2022
By MARAH RUIZ
Agad na umaksiyon ang GMA Kapuso Foundation para makapamahagi ng tulong para sa mga apektado ng hagupit ng bagyong Karding sa Pilipinas.
Kahapon, September 25, nagsagawa ng feeding program ang GMA Kapuso Foundation sa Obando, Bulacan at sa Bagong Silangan, Quezon City para sa mga residenteng lumikas.
Ngayong araw naman, September 26, nasa Infanta, Quezon na ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng relief packs doon.
Patungo na rin ang iba pang team ng GMA Kapuso Foundation sa Dingalan at Baler, Aurora Province para madala ng tulong.
Nakatakda ring tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa Polillo Island bukas, habang patuloy din itong nakaantabay sa iba pang lugar na maaaring mangailangan ng relief operations.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus