GMA Kapuso Foundation, naghandog ng school supplies para sa 4,800 mag-aaral sa Samar | GMANetwork.com - Foundation - Articles
Kabilang sa mga nahandugan ng GMA Kapuso Foundation ng kumpletong school supplies ang mga anak ng magsasaka, mangingisda at kababaihang gumawa ng kakanin.
GMA Kapuso Foundation, naghandog ng school supplies para sa 4,800 mag-aaral sa Samar
September 19 2022
By MARAH RUIZ
Sa pagpapatuloy ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project, naghandog ng school supplies ang GMA Kapuso Foundation para sa mga mag-aaral sa probinsiya ng Samar.
Kabilan sa nahandugan ng kumpletong school supplies at hygiene kits ay ang mga anak ng magsasaka, mangingisda at kababaihang gumawa ng kakanin.
Sa kabuuan, 4,800 estudyante ang nahatiran ng tulong sa probinsiya ng Samar.
"Napaka laking tulong po ito kasi po sa sobrang hirap, hindi lamang dahil sa bagyong odette, kundi sa pandemic nahirapan 'yung mga pamilya. Para sa GMA Kapuso Foundation, maraming salamat po," pahayag ni Lyra Versoza, teacher in charge, sa Maputi Elementary School.
Nagpapasalamat naman ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa proyekto ng Sta. Clara Shipping Corporation; Meridian Shipping and Container Carrier Inc., LGU ng Zumarraga; PNP Districts of San Julian, Sulat, Taft and Can-avid, Eastern Samar; AFP JTF-NCR; Philippine Army 8th Infantry Division, 801st Infantry Brigade, 78th Infantry Battalion, at 46th Infantry Battalion.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus