GMA Kapuso Foundation, naghandog ng sidecar sa magkapatid na vendor sa Antipolo
May 24 2022
By MARAH RUIZ
Noong nakaraang Marso ibahagi ng GMA Kapuso Foundation ang kuwento ng magkapatid mula sa Antipolo na naglalako ng prutas at itlog.
Humiling ng sidecar sina Patchao at Tommy Balangquit para hindi na nila buhatin ang mabibigat na kahon ng kanilang paninda.
Matapos ang isang buwan, binalikan sila ng GMA Kapuso Foundation para kumustahin.
Dahil sa pagpapalabas ng kanilang kuwento sa flagship news program ng GMA Network na 24 Oras, sunud sunod ang natanggap na tulong nina Patchao at Tommy.
Nabigyan sila ng financial assistance ng kanilang LGU sa Antipolo.
Nakipag-ugnayan naman ang The Benjamin Canlas Courage To Be Kind Foundation sa GMA Kapuso Foundation para matupad ang hiling na sidecar ng magkapatid bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap.
Ngayon, hindi na nila kailangan pasanin ang kanilang mga paninda at dumami pa ang naaabot nilang customers.
"Dati kumikita kami ng isang linggo, P3,000. Ngayon kumikita na kami ng P8,000 sa isang linggo," kuwento ni Cison Balangquit, tatay nina Patchao at Tommy.
Natigil ang makapatid sa pag-aaral dahil sa pandemya pero ngayong parating na pasukan, mag-aaral na muli sila.
"Nabigyan na po kami ng bike. Malaking tulong po ito sa amin," pasasalamat ni Tommy.
"Marami pong salamat sa GMA Kapuso Foundation," dagdag naman ni Patchao.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus