March 24 2022
Simula alas otso nang umaga, naglalako na ng prutas at itlog si Cison Balangquit kasama ang kanyang anak na si Jhon Mark "Patchao" Balangquit.
Isang karton ng prutas ang pasan ni Patchao habang nag-iikot sa Brgy. San Luis sa Antipolo City.
Sa ibang barangay naman nag-iikot ang isa pang anak ni Cison na si Nilmer "Tommy" Balangquit para magbenta rin ng prutas.
"Noong wala po kaming pera, kumukuha lang po kami ng mga mangga para ibenta po sa iba 'tapos pinapambili po namin ng bigas," emosyonal na paggunita ni Patchao.
Gusto man ni Cison na tumigil na sa pagtatrabaho ang mga anak, mapilit ang mga ito na tulungan siya.
"Hindi po siya makatrabaho ng matino kasi 'yung kamay po niya, namamanhid. Pinagtataga po siya. Dito po [sa noo] 'yung tama niya, tapos dito po (sa kamay), dito (sa braso), tapos dito (sa hita)," paliwanag ni Tommy.
Sa ilalim ng batas, maaring tumulong ang anak sa paghahanapbuhay ng magulang basta hindi nalagagay sa panganib at natitiyak na nakakapag-aral pa rin ang bata.
May programa rin para sa mga batang hindi maiwasang magtrabaho ang Department of Social Welfare and Development (DSWD.)
"Itong ating shield against child labor ay naglalayon na kilalanin, i-identify, 'yung mga bata na sangkot sa child labor at sila nga ay binibigyan natin ng mga interventions, appropriate interventions, that are holistic. Isa na diyan 'yung mga capacity building activities, mga livelihood training," pahayag ni Dir. Irene Dumlao, DSWD official spokesperson and OIC of social marketing service.
Nanawagan naman ang magkapatid na Patchao at Tommy ng sarili nilang sidecar para hindi na magbuhat habang naglalako.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa kanila at sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
http://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus