GMA Kapuso Foundation, sinorpresa ng romantic date ang mag-asawang centenarian at COVID-19 survivors | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Sinorpresa ng GMA Kapuso Foundation ng romantic date at iba pang regalo ang mag-asawang centenarian at COVID-19 survivors.  

GMA Kapuso Foundation, sinorpresa ng romantic date ang mag-asawang centenarian at COVID-19 survivors

By MARAH RUIZ

Marami nang pinagdaanan ang mag-asawang centenarian mula sa Antipolo City na sina Juan Jacob, 102 years old at Francisca Vega Jacob, 100 years old.

Magkasama nilang hinarap ang World War II, colon cancer, at maging ang COVID-19.

Pinagkasundo daw silang ikasal pero natutong mahalin ang isa't isa kalaunan.

"Wala kaming away. Napakabait [niya] kaya mahal na mahal ko ito. No, tatay?" pahayag ni Francisca.

Diyos daw ang nasa gitna ng kanilang pagsasama kaya ito naging matibay.

"Palagi kaming nagsisimba kaya ang Diyos, maaawa sa atin," paliwanag ni Francisca

Nakakabasa pa ng diyaryo at hindi pa kailanman nangailangang ng salamin ni Francisca.

Marami pa sana silang magagawa kung hindi tinamaan ng COVID-19. Humina kasi ang katawan ni Juan matapos magkasakit.

 

Operation Bayanihan

 


Bilang pagkilala sa 75 taon nilang pagsasama, sinorporesa sila ng GMA Kapuso Foundation ng isang romantic date nitong Valentine's Day. Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na mag-date silang dalawa.

Hatid ng GMA Kapuso Foundation ang cake, flowers, balloons, vitamins, groceries, walker, at iba pang mga regalo para kina Juan at Francisca.

Nakipagugnayan din ang GMA Kapuso Foundation sa DSWD Field Office Region IV-A para malaman ang status ng centenarian cash gift ni Francisca.

"Upon checking po 'yung ating masterlist of centenarians, sila po ay nakapag-submit and nakapag-comply na ng documents last March 2021," Jaztin Paul C. Farne, social welfare officer II ng DSWD Field Office Region IV-A.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Adamson Medtex International Corportaion at G-Cash na naging katuwang sa proyektong ito.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.