GMA Kapuso Foundation, muling nagbigay ng protective supplies sa tatlong pampublikong ospital | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Muling naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng protective supplies para sa tatlong pampublikong ospital sa Metro Manila.  

GMA Kapuso Foundation, muling nagbigay ng protective supplies sa tatlong pampublikong ospital

By MARAH RUIZ

Kasabay ng pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Bohol, Palawan, Dinagat Island, Cebu, Negros Oriental at Occidental, Limasawa Island at Leyte, tuloy rin ang pagdadala nito ng tulong sa mga frontliners sa Metro Manila.

Muling naghatid ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation bilang tugon sa patuloy na paglaban sa COVID-19.

Sumulat ang East Avenue Medical Center sa GMA Kapuso Foundation para humiling ng protective supplies para sa kanilang mga doctor at nurse sa panahon ng omicron surge.

Agad namang tumugon ang GMA Kapuso Foundation at naghatid ng N95 face masks, face shields, vitamins, at maging baby wipes at diapers para sa mga bata sa tatlong pampublikong ospital sa Metro Manila, kabilang ang East Avenue Medical Center, Pasig City Children's Hospital, at Rizal Medical Center.

 

Operation Bayanihan

 


"Nagpapasalamat ang East Avenue Medical Center sa GMA Kapuso Foundation. Simula nung nagkaroon ng pandemic at hanggang ngayon ay naaalala kami lagi," pahayag ni Dr. Alfonso Nuñez III, FPCS, MMHOA, Medical Center Chief II ng East Avenue Medical Center.

Nagpapasalamat naman ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Armed Forces of the Philippines JTF-NCR, Medical Center Trading Corporaton, Adamson Medtex International Corporation, at Quanta Paper Corporation sa proyekto.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.