Muli siyang binisita ng GMA Kapuso Foundation sa Calbayog City sa Samar para kumustahin at hatiran ng karagdagang tulong.
Mabuti na ang kundisyon ni Athena kaya't masigla at masiyahin na siya. Maayos na rin niyang naigagalaw ang ulo at hindi na nahihiyang makihalubilo sa ibang bata.
Nagsimula na rin siyang mag-modular learning.
"Pangarap ko po maging doktor. Gusto ko pong makatulong sa mga may sakit," pahayag ni Athena.
"Maraming maraming salamat po sa lahat ng tulong niyo. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi po matatanggal 'yung bukol ni Athena," pahayag naman ni Karizza Manota, ang nanay ng Athena.
Para mabigyan ng bagong pag-asa ang mga batang katulad ni Athena na may non-cancerous na bukol, may project ang GMA Kapuso Foundation na Operation Bukol katuwang ang World Surgical Foundation.
Umaasa ang GMA Kapuso Foundation na muli itong mailulunsad sa patuloy na paghupa ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus