GMA Kapuso Foundation, nakapag-abot ng tulong sa 137,592 indibidwal na apektado ng bagyong Odette | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Umabot na sa 137,592 indibidwal na apektado ng bagyong Odette ang natulungan ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, nakapag-abot ng tulong sa 137,592 indibidwal na apektado ng bagyong Odette

By MARAH RUIZ

Hindi pa lubos na nakaka-recover ang maraming residente sa iba't ibang lugar na tinamaan ng bagyong Odette.

Kaya naman agad na umalalay sa kanila ang GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong na relief goods, food packs, at hygiene kits sa ilalim ng Operation Bayanihan.

Umabot na sa 137,592 indibidwal ang nahatiran ng tulong ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation--11,600 sa Southern Leyte, 17,624 sa Siargao, 23,436 sa Cebu, 8,000 sa Olango Island, 6,480 sa Negros Occidental, 31,408 sa Bohol, 1,480 sa Leyte, 6,000 sa Palawan, 9,748 sa Dinagat Island, 10,908 sa Negros Oriental, at 10,908 sa Limasawa Island.

"Maraming salamat po sa lahat ng mga donors, mga sponsors at ating mga partners. Ang mga relief operations ng GMA Kapuso Foundation ay naisakatuparan dahil sa inyong walang sawang pagtulong at pakikipagbayanihan," pahayag ni GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco.

Lubos na nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng AOS International Herbs VegieMax, Philippine Army 3rd Infantry Division, 82nd Infantry Battalion Join Task Force Cebu, Philippine Marine Corps Marine Battalion Landing Team-9 Marine Amphibious Ready Unit, Philippine Span Asia Carrier Corporation, Sta. Rosa Ferry Express, LLC Police Office-Station I, Isla Paraiso Organization, Olango Resorts and Restaurant Owners Association, Philippine Airlines Foundation, Barrio Fiesta Foods, at General Nutrifood Philippines Inc.

 

 

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maaari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, at Mega Mart.