GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa Olango Island sa Cebu | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods para sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Odette sa Olango Island sa Cebu.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa Olango Island sa Cebu

By MARAH RUIZ

Isa ang marine sanctuary sa Olango Island sa Cebu sa mga pangunahing nagbibigay ng hanap-buhay para sa mga residente dito.

Sa kasamaang palad, winasak ng Bagyong Odette ang marine sanctuary na isa rin sa mga paboritong pasyalan ng mga turista dito.

Ang 73-taong gulang na si Rubensio Labay, nawalan na ng tirahan, nawalan pa ng kabuhayan.

"Parang nalugmok ako. Kasi hindi ko na alam paano ako babangon mula dito. Wala na akong magagawa. Sa edad kong ito, mahirap na makakita ng magandang trabaho," emosyonal na pahayag ni Rubensio.

Kaya naman hiling niyang bumalik ang dating ganda ng sigla ng Olango Island na noon ay dinadayo ng mga turista dahil sa beach nito at sa iba't ibang water activities.

Inilapit ng award-winning documentarian na si Howie Severino sa GMA Kapuso Foundation ang sitwasyon ng Olango Island. Malimit kasing makatanggap ng tulong ang mga residente dito.

Bilang tugon, agad na nagtungo ang team ng GMA Kapuso Foundation sa lugar at namahagi ng relief goods sa 2,200 indibidwal sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan.

 

Operation Bayanihan

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Philippine Army, 3rd Infantry Division, 82nd Infantry Battalion, Joint Task Force-Cebu; Philippine Marine Corps, Marine Battalion Landing Team-9, Marine Amphibious Ready Unit; Philippine Asia Carrier Corp.; Sta. Rosa Ferry Express; LLC Police Office Station I; Isla Paraiso Org.; Olango Resorts and Restaurant Owners Association; Pinakamasarap Corporation; Sogo Cares by Sogo Hotel; Philippine Airlines Foundation; F2N Marketing-Theobroma C; Johnson & Johnson Philippines Inc; at Liwanag Candle.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards at Metrobank credit card.

Puwede rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart at Lazada.