February 02 2022
Dahil sa lakas ng bagyong Odette, ang isang paaralan sa barangay Baybay sa Siargo na takbuhan ng residente tuwing may bagyo, nasira na rin.
Ang mga lumikas dito, nalagay pa sa panganib.
"Sobrang lakas ng hangin, 'yung bubong po talaga nagliparan kaya ayun, na-trap kami dito. 'Yung iba may mga sugat," paggunita ni Aivy Tulisana.
Nagtakbuhan na lang sila para maghanap ng masisilungan. Nagsakripisyo pa ang asawa ni Aivy para iligtas ang mga kasamahan.
"'Yung asawa ko, may sugat din. Sila 'yung nag-save sa amin, 'yung mga lalaki," kuwento niya.
Isa rin sa lumikas sa paaralan si Lorena Lobino. Isa rin sa mga nasugatan ang kanyang asawa.
"'Yung pinsan ko, nakita niya 'yung CR na marami nang dugo. 'Yun pala, nasugatan na 'yung asawa ko," emosyonal na kuwento ni Lorena.
Gayunpaman, nagpapaslamat pa rin siya na nalampasan nila ang pagsubok na ito.
"Lord, salamat. Niligtas mo pa rin kami," aniya.
Kabilang sila sa 8,552 indibidwal na hinatiran ng GMA Kapuso Foundation ng food packs at hygiene kits sa Siargao.
Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan ang Armed forces of the Philippines, JTF-NCR, 9th Infantry Division, 901st Infantry Brigade, 4th Infantry Division, 42nd Civil Military Operations Battalion, 30th Infantry Battalion, Task Group "Katihan;" Provincial Government of Surigao del Norte; Ritz Food Product Corporation; Sogo Cares by Hotel Sogo; Philippine Airlines Foundation; at AOS International Herbs Vegiemax.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus