January 21 2022
Isang buwan matapos ang pananalasa ng bagyogn Odette, hirap pa rin ang ilang residente ng Limasawa Island na makabangon at magsimula muli.
Mahigit 90 percent ng bahay sa lugar ang naapektuhan ng bagyo. Pahirapan din makahanap ng tubig na malinis at maaaring inumin.
Ayon sa ilang residente, sa bayan pa sila kumuha ng tubig kahit na malayo.
Para matulungan sila, nagtayo ng emergency water kiosk ang GMA Kapuso Foundation, katuwang ang Planet Water Foundation, para sa mga residente ng Brgy. Magallanes at Brgy. Lugsongan sa Limasawa Island.
"Kung walang pump, mayroon kaming generator dito na naka-standby. Mayroon ding manual, ipa-pump mo lang. Ipa-pump mo siya, papadyak ka lang then magpo-produce na siya," paliwanag ni Engr. Dario Operario, program manager ng Planet Water Foundation.
Bukod dito, naghatid din ang GMA Kapuso Foundation ng food packs para 3,308 residente ng isolated barangay na San Ricardo sa Southern Leyte.
Katuwang pa rin ng GMA Kapuso Foundation sa Operation Bayanihan ang Philippine Army, 8th Infantry Division, 802nd Infantry Brigade, 14th Infantry Battalion, 56th Engineer Construction Battalion, 8th Forward Service Support Unit ASCOM, Philippine Coast Guard-Eastern Visasyas, Planet Water Foundation, Capital One, Meridian Shipping and Container Carrier Inc., Philippine Airlines Foundation, Sogo Cares by Hotel Sogo, at Champion.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus