GMA Kapuso Foundation, aabot na sa 112,000 indibidwal na nasalanta ang bagyong Odette ang matutulungan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Salamat sa mga donasyon, aabot na sa 112,000 indibidwal na nasalanta ng bagyong Odette ang matutulungan ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, aabot na sa 112,000 indibidwal na nasalanta ang bagyong Odette ang matutulungan

By MARAH RUIZ

Dahil sa mga donasyon at suporta na natatanggap ng GMA Kapuso foundation, aabot na sa 112,000 indibidwal sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Odette ang matutulungan nito.

 


 

As of January 6, 2022, 69,080 indibidwal mula sa Southern Leyte, Surigao del Norte, Siargao Island, Cebu, Negros Occidental ang nahatiran ng pagkain, inuming tubig, Noche Buena, package at hygiene kits.

Nakadalawang bugso na rin ang pagbibigay ng tulong sa ng GMA Kapuso Foundation sa mga lugar na ito.

Samantala, 43,000 indibidwal ang matutulungan sa pagpapatuloy ng ikatlong wave ng relief operations ng GMA Kapuso Foundation sa Bohol, Siargao Island sa Surigao del Norte, at Limasawa Island sa Southern Leyte.

Lubos na nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundatuon sa tulong at donasyon mula sa public at private multisectoral partners at assistance ng Armed Forces of the Philippines.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.