GMA Kapuso Foundation, bumalik sa Dinagat Islands para sa ikalawang bugso ng relief operations | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Bumalik sa Dinagat Islands ang GMA Kapuso Foundation para sa ikalawang bugso ng relief operations para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

GMA Kapuso Foundation, bumalik sa Dinagat Islands para sa ikalawang bugso ng relief operations

By MARAH RUIZ

Dalawang araw sa kalsada at dalawang araw sa pantalan pansamantalang tumutuloy si Apple Lesaca at kanyang pamilya dahil nasira ang kanilang bahay sa pananasalasa ng bagyong Odette sa Dinagat Islands.

"Nasira po, nawala 'yung bubong tapos wala na pong dingding. Wala na po kaming matulugan kaya dito muna kami," kuwento ni Apple.

Madalas pa rin umulan nang malakas kaya hindi na ligtas ang kalsada at pantalan para sa pamilya lalo na at may mga bata at sanggol ang kanilang pamilya.

Sa stockroom ng barangay hall muna sila tumutuloy. Tatlong pamilya ang namamalagi rito kahit tumutulo rin ang bubong.

Kabilang din dito si Margie Glico at kanyang pamilya.

"[Tumtulo] dito 'yung ulan, [maglalagay] lang ako ng basahan para hindi mabasa kahit hatinggabi. Mag-ala una, madaling araw, hindi na 'ko matulog niyan. Lagi lang akong nag-aabang sa tubig na hindi [maipon] dito. Hirap talaga," pahayag naman ni Margie.

Kabilang sina Apple at Margie sa mga natulungan sa ikalawang bugso ng relief operations ng GMA Kapuso Foundation sa Dinagat Islands.

 

 


Kahit umuulan at abutan ang dilim, pinilahan ang relief goods at hygiene kits para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Odette.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa pagpapatuloy ng Operatin Bayanihan ang Philippine Army 4th Infantry Division, 9th Infantry Division, 10th Infantry Division, 42nd CMO Company, 901st Infantry Brigade, 27th Infantry Battalion, 39th Infantry Battalion; Philippine Coast Guard BRP Cape San Agustin MRRV-4408; PNP BISOC Class 2021 CARAGA 13; Champion; Lazada Philippines; at McDonald's Kindness Kitchen.

 

 



 

Bukod dito, nagsagawa na rin ng third wave distribution ang GMA Kapuso Foundation sa Bohol, Siargao, Limasawa Island, Cebu, at Negros Oriental.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.