GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mahigit 6,400 indibidwal sa Sipalay, Negros Occidental
January 11 2022
By MARAH RUIZ
Pitong oras nanasalasa ang bagyong Odette sa Sipalay, Negros Occidental.
Isa sa mga lubos na naapektuahan ng bagyo ay si Narciso Biasong. Suwerte siyang nakaligtas pero hidi pinalad ang kanyang asawa't apo, na tinangay ng malakas na agos ng tubig baha.
"Ito ang [sumubok] magligtas sa kanya [asawa ko], pero nawala silang dalawa," kuwento ni Narciso.
Kinaumagahan na natagpuang walang buhay ang mag-lola.
Ang anak naman ni Narciso na si Asuncion Biasong Fadol, muntik na ring maanod ng baha pero kumapit sa puno ng niyog nang limang oras kasama ang iba pang kaanak.
"Biglaan kasi 'yung tubig. Hanggang bukid na tubig, natangay kami doon," paggunita ni Asuncion.
Kabilang sila sa mahigit 6,400 indibidwal sa Sipalay, Negros Occidental na hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng pagpapatuloy ng Operation Bayanihan.
Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa operasyon ang Philippine Army 302nd and 303rd Infantry Brigade, 11th and 15th Infantry Battalion; LGU-Sipalay; Champion; P&A Grant Thornton; Megaworld Foundation Inc., Reyes Tacandong & Co., at Home Credit Philippines.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus