GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Southern Leyte
December 22 2021
By MARAH RUIZ
Isa ang Brgy. Sampongan sa Bontoc, Southern Leyte, sa mga napuruhan ng bagyong Odette.
Kaya naman isa ito sa mga unang tinungo ng GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong.
Hatid ng GMA Kapuso Foundation ang Noche Buena package para sa 618 pamilya sa barangay.
"Malaking pasalamat namin para sa GMA Kapuso Foundation dahil sila 'yung pinaka unang nagbigay sa amin ng tulong dito sa aming barangay. Napaka laking halaga ito sa amin lalo na malapit na ang Pasko," pahayag ni Victoria Cojano, isa sa mga residente.
Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa operasyon ang Armed Forces of the Philippines; Philippine Army MGen. Romeo Brawner Jr., Commanding General (CGPA), Philippine Army 8th Infantry Division, 4th Infantry Division, 802nd Infantry Brigade, 901st Infantry Brigadee; Philippine Coast Guard; at Globe and Globe customers.
Nanganganilangan pa rin ng karagdagang tulong ang mga residente tulad ng tubig, pagkain at gamot.
"'Yung immediate or initial needs ng mga barangays or 'yung mga tao, makikita naman natin, wala na talaga silang mga bahay so temporary shelter facilities 'yung nire-request namin," pahayag ni Engr. Edmund B. Moralde ng MDRRMO.
Nakatakda na rin magsagawa ng relief operations ang GMA Kapuso Foundation sa Sogod, Southern Leyte at Surigao.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito: www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate
Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards at Metrobank credit card.
Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus