GMA Kapuso Foundation, namahagi ng pamasko sa mga mag-aaral sa Zamboanga del Sur | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng mga regalo para sa 2,727 mag-aaral sa 14 na eskuwlahan sa Zamboanga del Sur.

GMA Kapuso Foundation, namahagi ng pamasko sa mga mag-aaral sa Zamboanga del Sur

By MARAH RUIZ

Anim ang anak ni Ainon Majid ng Pagadian City, Zamboanga del Sur. Mangingisda ang kanyang asawa at kung matumal ang huli, P50 lang ang kita nito.

 

"'Pag walang wala na, humihiram ako ng bigas. Lutuin ko at lagyan ko ng asin," pahayag ni Ainon.

Kahit kapos, mahalaga para sa kanya na maging malakas ang mga anak.

May malinaw na pangarap naman ang estudyanteng si Angel Ramirez.

"Gusto ko pong maging pulis para makatulong sa pamilya po namin kasi mahirap po kami eh," bahagi ni Angel.

Isa si Angel sa mga mag-aaral na nahihirapan sa modular distance learning.

"Ang magtuturo sa 'kin ay kapitbahay ko po kasi hindi marunong magbasa ang aking ina," paliwanag ni Angel.

Hanggang Grade 2 lang kasi ang natapos ng kanyang nanay na si Angeline na may diperensiya sa pandinig. Kaya naman pangarap niya para sa anak ang makapagtapos ng pag-aaral.

Kabilang sila sa mga nahandugan ng maagang pamasko ng GMA Kapuso Foundation sa pagpapatuloy ng Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy Christmas project.

 

GMA Kapuso Foundation

 

Sa ilalim nito, 2,727 gift bags para sa mga mag-aaral sa 14 na eskuwelahan sa Pagadian City ang naihatid ng GMA Kapuso Foundation.

Katuwang pa rin sa proyekto ang Joint Task Force-NCR; Philippine Army-1st Infantry Division, 102nd Infantry Brigade, 44th Infantry Battalion, 53rd Infantry Battalion; DepEd Divison of Zamboanga Sibugay; DepEd Division of Pagadian City; Philippine Airlines Foundation; Philippine Span Asia Carrier Corporation; EM-Core 24 Alkaline C, Peerless Products Manufacturing Corporation; at Laurin 100% Coco MCT.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.