GMA Kapuso Foundation, nakapaghatid ng mahigit 60,000 school bags sa 27 probinsiya
November 26 2021
By MARAH RUIZ
Sa ilalim ng Unang Hakbang sa Kinabukasan Project, nakapaghatid ang GMA Kapuso Foundation ng 60,060 school bags na may kumpletong school supplies, hygiene kit at face mask para sa mga mag-aaral sa mahigit 700 paaralan sa 27 probinsiya sa Pilipinas.
Sakay ng bangka, eroplano at truck, matagumpay na nakarating ang mga ito sa 21 paaralan sa Lanao del Sur, 17 sa Sulu, 22 sa Basilan, 22 sa Catanduanes, 15 sa Laguna, 3 sa Cagayan Valley, 4 sa Dinapigue, 35 sa La Union, 11 sa Rizal, 19 sa Aurora, 57 sa Samar, 1 sa Casiguran, 53 sa Palawan, 6 sa Cavite, 57 sa Surigao del Norte, 19 sa Agusan del Sur, 44 sa Surigao del Sur, 106 sa Davao de Oro, 25 sa Davao Occidental, 69 sa Negros Occidental, 39 sa Iloilo, 35 sa South Cotabato, 38 sa General Santos, 12 sa Maguindanao, 2 sa Lanao del Norte, 32 sa Antique, at 7 paaralan sa NCR.
Sinigurado din ng GMA Kapuso Foundation na nasunod ang health and safety protocols sa operasyon.
"Gaano man katayog ang pangarap, kayang abutin kung magsisikap. Iyan ang kahanga-hangang ipinapakita at isinasabuhay ng mga kabataan na gagawin ang lahat, makatapos lang ng pag-aaral. Ang mga kagaya po nila ang hangad nating matulungan kaya't maraming salamat po sa laht ng ating mga partners at mga donors na katuwang natin para ito'y maisakatuparan," pahayag ni GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng AFP Joint Task Force-NCR; Philippine Army-2nd Infantry Division; Go Tong Foundation; EM-Core 24 Alkaline C; Procter and Gamble Philippines Inc.; Philippine Span Asia Carrier Corporation; Solid Shipping Lines Corporation; Meridian Shipping and Container Carrier Inc.; Moreta Shipping Lines Inc.; at Cemex Philippines Foundation sa Unang Hakbang sa Kinabukasan project.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa
official website nito.
Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards at Metrobank credit card.
Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.
Comments
comments powered by Disqus