Mag-aaral ng Villa Aurora Elementary School, binigyan ng maagang pamasko ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Bukod sa pagpapaayos ng anim na classrooms sa Villa Aurora Elementary School, naghatid din ng maagang pamasko ang GMA Kapuso Foundation para sa mga mag-aaral nito.

Mag-aaral ng Villa Aurora Elementary School, binigyan ng maagang pamasko ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Sumailalim sa rehabilitation ang anim na Kapuso Clasrrooms sa Villa Aurora Elementary School sa Maria Aurora, Aurora Province matapos itong mapinsala ng bagyong Ulysses noong 2020.

 

Kapuso Foundation

 

Muli itong ipinaayos ng GMA Kapuso Foundation kaya ngayon, kaya na nitong harapin ang 280 kph na hangin at intensity 8 na lindol. Bukod sa pagpapaayos, nagdagdag din ng mga bagong disenyo na akma para sa banta ng COVID-19.

"Isa sa mga modification na ginawa natin ay 'yung ventilation. 'Yan ay nagsisilbing singawan ng init galing sa loob ng kisame," paliwanag ni Engr. Ed Eniego, senior project engineer ng GMA Kapuso Foundation.

Bawat silid-aralan ay may ceiling fan, water dispenser at sariling banyo. Naglagay din ng handwashing station at nagtanim ng 50 narra seedlings sa paaralan.

Dahil malapit na ang Pasko, naghatid din ang GMA Kapuso Foundation ng Noche Buena package at laruan para sa mga mag-aaral ng Villa Aurora Elementary School.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyekto ang AFP-NOLCOM; Philippine Army-7th Infantry Division, 703rd Infantry Brigade, 91st Infantry Battalion, Dwightsteel (Roofing); PPG Coatings (Philippines) Inc.; Eagle Cement; Manila Water Foundation; Sanitec Bath and Kitchen Specialist, Yale Home Philippines; Mariwasa Siam Ceramics; Hanabishi; BTCINO; at Ciro Crystal Glow.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Puwede ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards at Metrobank credit card.

Maaari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.