GMA Kapuso Foundation, ipinaayos ang 6 na classrooms sa Villa Aurora Elementary School | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Binalikan ng GMA Kapuso Foundation ang Villa Aurora Elementary School para ipaayos matapos itong mapinsala ng bagyong Ulysses.

GMA Kapuso Foundation, ipinaayos ang 6 na classrooms sa Villa Aurora Elementary School

By MARAH RUIZ

Noong November 30, 2004, nagkaroon ng matinding landslide dulot ng bagyong Winnie sa barangay Villa Aurora, Maria Aurora, Aurora Province.

 

Natabunan ng lupa ang mga bahay, paaralan, health center, simbahan at ibang opisina ng gobyerno at nasira rin ang tulay sa lugar.

"Halos isang buwan po kaming isolated po. Wala pong madaaanan at puro po [lupa]," pahayag ni Henry Padilla, punong barangay sa Villa Aurora.

Tumungo doon ang GMA Kapuso Foundation para magbigay ng tulong. Kasabay nito ang papatayo ng tatlong school buildings na may anim na classroom sa Villa Aurora Elementary school nong 2005.

Makalipas ang mahigit 15 taon, muling sinubok ng panahon ang paaralan. Napinsala kasi ito ng bagyong ulysses noong 2020.
 
Para maibalik ang dating ayos at ganda nito, muli itong ipinaayos ng GMA Kapuso Foundation at pinasinayaan na kamakailan ang bagong repair na classrooms.

 

 

"Tamang tama, may face-to-face classes na sa ilang piling lugar. Talagang hinahabol natin 'yung November, itong major rehab na 'to of six classroms as our Christmas offering to the people of Villa Aurora," pahayag ni Rikki Escudero-Catibog, EVP and COO ng GMA Kapuso Foundation.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyekto ang AFP-NOLCOM; Philippine Army-7th Infantry Division, 703rd Infantry Brigade, 91st Infantry Battalion; Yale Home Philippines; Sanitec Bath and Kitchen Specialist; Manila Water Foundation; Eagle Cement; PPG Coatings (Philippines) Inc.; Dwightsteel (Roofing); Mariwasa Siam Ceramics; Hanabishi at BTICINO.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, at Globe Rewards.

Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, at Mega Mart.