November 19 2021
Isa ang Babalaya Elementary School sa Bacolod, Lanao del Norte sa mga pinayagan na magkaroon ng limited face-to-face classes ngayong buwan.
"'Yung doktor po, sila po ang nag-identify sa mga learners namin to select kung sino 'yung mga mag-face-to-face classes po," paliwanang ng head teacher na si Magnolia c. Duron.
"Mayroon pa doon sa communication plan namin, mga contingency plan. Kung sakaling magkaroon ng mga problema, at least well guided na po 'yung school head natin at saka 'yung mga teachers on what to do," dagdag pa ni Edilberto L. Oplenaria, superintendent, DepEd Divison of Lanao del Norte.
Isa sa mga mag-aaral dito si Renjie Paul Bayo na naninibago sa muling pagbubukas ng paaralan pero pursigido siya at gustong matuto.
"Natutuwa po ako kasama si teacher at aking kaklase," pahayag ni Renjie.
Bago siya makapasok sa classroom, kailangan niyang maghugas ng kamay sa wash area at dumaan sa screening area para matukoy ang kanyang health status sa araw na iyon.
Para mapadali ang pagbabalik-eskuwelahan ni Renjie at iba pang estudyanteng tulad niya, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng bags na may school supplies, hygiene kit at face mask para sa Babalayan Elementary School sa ilalim ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project.
Bukod dito, nakatanggap din sila ng bags na may laruan at Noche Buena package bilang maagang pamasko sa ilalim naman ng Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy Project.
Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa mga proyektong 'yan ang Joint Task Force-NCR, 2nd Mechanized Brigade, 4th and 5th Mechanized Infantry Battalion, Medtechs International Ltd. Corp., Cool Taste, Fitrite Incorporated at Colgate-Palmolive Philippines Inc.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash at Globe Rewards.
Puwede rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus