GMA Kapuso Foundation, nagpagawa ng water pumps sa mga paaralan sa Catanduanes | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagpagawa ang GMA Kapuso Foundation ng water pump system at handwashing stations sa Palta at Mabini Elementary School sa Catanduanes.  

GMA Kapuso Foundation, nagpagawa ng water pumps sa mga paaralan sa Catanduanes

By MARAH RUIZ

Hindi natatapos sa pagpapagawa ng classrooms ang Kapuso School Development project ng GMA Kapuso Foundation.Gusto rin nitong siguraduhin na malinis at ligtas ang mga paaralan, lalo na sa panahon ng pandemya.

Bumalik ang GMA Kapuso Foundation sa mga Kapuso Schools sa Catanduanes para maglagay ng mga water systems at handwashing stations.

 

 

Noong nakaraang July, natapos ang sampung silid-aralan sa Palta Elementary School at Mabini Elementary School.

 

 



 

Ito ang mga mga silid-aralan na nasira ng bagyong Rolly noong nakaraang taon.

Bagamat hindi pa sila kabiliang sa pilot face-to-face classes sa darating na November, naghahada na rin ang mga paaralang ito kung sakaling magbabalik na ang face-to face learning.

Ang paghuhugas ng kamay ang isa sa pinakasimple at epektibong na panlaban sa COVID-19, pero problema sa mga eskuwelahang ito ang supply ng tubig.

"Mahalaga rin po 'yun. Lalo 'yung mga bata galing sa laro. 'Di ba magkakakuha ng sakit kasi hindi pa naghuhugas," pahayag ng Jocelyn Echaluce na may dalawang anak.

Wala silang maayos na magpagkukunan ng tubig, kaya ang mga anak ni jocelyn nag-iigib sa bukal.

Para matulungan sila, nakipag-partner ang GMA Kapuso Foundation sa Xylem at Planet Water Foundation para makapagpagawa ng water pump system at handwashing stations sa Mabini at Palta Elementary School.

May disinfection systems din ito kaya maaaring inumin ang tubig na galing dito.

"Another unit that we have right now is 'yung ating Aqua Sun Disinfection System na kung saan ang intention dito din ay ma-sanitize 'yung mga latrine, 'yung mga toilet at saka 'yung mga pathway," paliwanang ni Engr. Dario A. Operario, program manager ng Planet Water Foundation.

"Salamat din po sa pagpagawa ng school. Tapos 'yung tubig magagamit na rin, hindi na kami mahihirapan. 'Yung mga anak ko, makakaaral na doon nang mabuti. Pati sa tubig magagamit din nila ng malinis," pasasalamat ni Jocelyn.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa Kapuso School Development at sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, at Globe Rewards.

Puwede ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, at Mega Mart.