GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mahigit 3,100 taong naapektuhan ng bagyo sa Benguet | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 3,100 taong naapektuhan ng bagyong Maring sa Benguet.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mahigit 3,100 taong naapektuhan ng bagyo sa Benguet

By MARAH RUIZ

Pangalawang bugso na ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation sa Benguet. Bahagi ito ng pagpapatuloy ng paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Maring sa Northern Luzon.

 

 

 

Isa sa mga natulungan si Lino Balangen na halos 70 taon nang naninirahan sa Bakun, Benguet.

Bandang 9:00 p.m. noong October 11 at kasagsagan ng bagyong Maring, nabagsakan ng gumuhong barangay hall at barangay health station ang kanyang bahay.

"Kinaumagahan, wala na. Pati pala 'yung bahay namin na iniwan namin, na-wash out na," paggunita ni Lino sa mga pangyayari.

Mag-isang namumuhay si Lino dahil sa malayo nagtatrabaho ang kanyang mga kamag-anaak. Sa ngayon, sa evacuation center muna siya naninirahan.

"Masakit ang loob pero wala tayong magawa kasi nature 'yan. Bahala na ang Diyos. Ang improtante, naka-safety ako, buhay pa rin ako," aniya.

Bukod kay Lino, mahigit 3,100 tao ang nahatiran ng relief goods ng GMA Kapuso Foundation sa Poblacion, Bakun, at Brgy. Palina, Kibungan sa Benguet.

 

GMA Kapuso Foundation

 

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa AFP NOLCOM, Philippine Army, 5th Infantry Division, 5th CMO Battalion, 503rd Infantry Brigade, 54th Infantry Battalion ARESCOM, 14th Regional Community Defense Group Army Reserve Command, Venus Parkview Hotel Baguio City, Barrio Fiesta Foods, Procter and Gamble Philippines Inc, Jollibee Group, at mga Globe customers na nagpaabot ng tulong gamit ang Globe Rewards sa pakikiisa sa Operation Bayanihan.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, at Globe Rewards.

Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, at Mega Mart.