GMA Kapuso Foundation, muling naghatid ng tulong sa vegetable farmers sa Benguet | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Muling naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga vegetable farmers na nasalanta ng bagyong Maring sa Benguet.

GMA Kapuso Foundation, muling naghatid ng tulong sa vegetable farmers sa Benguet

By MARAH RUIZ

Tuluy-tuloy ang pagbibigay ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga nasalanta ng bagyong Maring sa Northern Luzon.

Sa pangalawang bugso ng Operation Bayanihan sa Benguet, nakarating ang GMA Kapuso Foundation sa Brgy. Bagong sa bayan ng Sablan.

 

Ang daan papasok dito ay natabunan ng malalaking tipak ng bato at lupa kaya naman kailangan tawirin ang nakahambalang na bato para makarating sa lugar.

Isa si Emma Diwas sa mga residenteng na nasira ang kabuhayan dahil sa bagyong Maring. Nasira kasi ng gumuhong lupa ang pananim niyang sili at bell pepper.

"Malungkot na malungkot kami kasi ito lang po ang pinagkukunan ng hanapbuhay namin saka pang-aral ng mga bata," pahayag ni Emma.

Katuwang sana ang asawa sa pagtatanim, pero si Emma muna ang kumakayod.

"Nabali po ang anim na ribs niya, hindi na niya [maiangat] 'yung kamay niya," paliwanag niya sa kundisyon ng mister.

Isa si Emma sa mga vegetable farmers na natulungan sa ikalawang bugso ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation sa Benguet.

 

 

Muling nakapaghatid ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods para sa mahigit 1,600 indibidwal, kabilang ang vegetable farmers, sa Brgy. Balluay at Brgy. Bagong sa Sablan, Benguet

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa AFP  NOLCOM, Philippine Army, 5th Infantry Division, 5th CMO Battalion, 503rd Infantry Brigade, 54th Infantry Battalion ARESCOM, 14th Regional Community Defense Group, Army Reserve Command, Venus Parkview Hotel Baguio City, Barrio Fiesta Foods, Procter and Gamble Philippines Inc, Jollibee Group, at Globe Rewards sa pakikiisa sa Operation Bayanihan.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, at Globe Rewards.

Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.