GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa tatlong bayan na apektado ng bagyong Maring sa La Union | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagbigay ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 4,000 indibidwal sa tatlong bayan na apektado ng bagyong Maring sa La Union.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa tatlong bayan na apektado ng bagyong Maring sa La Union

By MARAH RUIZ

Pahirapan ang daan kaya hindi agad maabot ng tulong ang bayan ng Bangar sa La Union na naapetuhan din ng bagyong Maring.

Pero hindi nito napigilanang GMA Kapuso Foundatin na unang nag-abot ng tulong dito.

 

 

Ang Consuegra ay isa sa mga isolated areas sa Bangar, La Union at napinsala din ito ng bagyong Maring. Para marating ito, kailangan tawirin ang Amburayan river at lakarin ang 2.5 kilometro na mabatong daan.

Isang residente dito si Florentina Natividad na nasira ang bahay at pananim.

"Masakit talaga na nakita namin na ganyan na 'yung bahay namin. Hindi po namin nailikas 'yung mga gamit po namin," lahat ni Florentina.

Hindi nakaligtas sa pananalasa ng bagyo ang kanilang alagang kambing, pati na pananim na kalamansi.

"Sikapin po namin na magtanim ng gulay at maisalba 'yung mga kalamansi para po may pagkukunan po kami ng pambili po ng pagkain," aniya.

Kabilang si Florentina sa mga natulungan sa pagpapatuloy ng operation bayanihan ng GMA Kapuso Foundation. Nagpakain dito ng pancit at tinapay. Naghatid din ng relief goods para sa 4,000 indibidwal sa Bangar, Luna, at Bauang sa La Union.

"Maraming-maraming salamat po na naidulot po ng GMA Kapuso Foundation na tulong. Kahit na malalim po 'yung tubig, tumawid po kayo sa tubig," pasasalamat ni Florentina.

"Ang GMA pa lang ang nakapunta dito sa lugar na 'to. Kami ay nagpaasalamat dahil pumunta sila dito at nakapagbigay ng tulong sa ating mga kababayan na naapektuahn ng nakaraang bagyo," pahayag ni LCDR Richard C. Fontanos, PN, Commanding Officer, Civil Military Operations Unit-Northern Luzon.

Namahagi din ng tulong sa Atok, Benguet at nagbigay ng relief goods sa ilang barangay sa Ilocos Sur ang GMA Kapuso Foundation.

Katuwang pa ring sa Operation Bayanihan ang AFP NOLCOM, 5th Infantry Division, 7th Infantry Division, 5th CMO Battalion, 81st Infantry Battalion; Philipine Airforce Alpha Company CMO Tactical Operations Group I, at Procter and Gamble Philippines Inc.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash at Globe Rewards.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.