Strawberry at vegetable farmers na nasalanta ng Maring, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation
October 14 2021
Doble ang dagok na nararanasan ng Norther Luzon dahil as gitna ng pandemya, napuruhan pa ng bagyong Maring ang rehiyon.
Nagdulot ito ng pagbaha sa mga tirahan, pagkasira ng mga ari-arian at kabuhayan, maging pagguho ng lupa na kumitil ng ilang buhay.
Agad na tumugon ang GMA Kapuso Foundation, katuwang ang AFP Nothern Luzon Command para maghatid ng tulong sa mga apektado ng bagyong Maring sa ilalim ng Operation Bayanihan.
Nagdala ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods at galon ng tubig sa 1,780 indibidwal sa La Trinidad at Itogon, Benguet. Sinigurado rin na kasama sa mga natulungan ang mga strawberry at vegetable farmers na nalimas ang kabuhayan.
Nakarating na rin sa La Union ang GMA Kapuso Foundation at tutungo din sa Ilocos Sur dala ang relief goods at tinapay.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash at Globe Rewards.
Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.
Comments
comments powered by Disqus