GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng dental outreach sa Norzagaray, Bulacan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Bukod sa pagututuro ng tamang pagsisipilyo, nagbigay din ng libreng fluoride varnish ang GMA Kapuso Foundation para sa 400 bata sa Bulacan.

GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng dental outreach sa Norzagaray, Bulacan

By MARAH RUIZ

Sa patuloy na laban sa COVID-19 napakahalaga ng kalinisan sa katawan, lalo na ng mga bata.

Kaya naman dalawang beses kada taon isinasagawa ng GMA Kapuso Foundation ang "Linis Lusog Kapusong Kabataan Project," na layuning magturo ng tamang personal hygiene, at namigay ng food packs, vitamins at hygiene kits.

Dahil sa pandemya, hindi na nakakapunta sa dental clinic ang mga bata. Kaya ang GMA Kapuso Foundation kapartner ang Philippine Association of Private School Dentists Inc. na ang pumunta sa mga bata sa Norzagaray, Bulacan para masuri ang kanilang mga ngipin at bigyan sila ng libreng fluoride varnish.

"Kapag hindi maka-visit sa dentista, nilalagyan namin ng varnish. Ang varnish ay isang pampatibay ng ipin na anti-cavity prevention," paliwanag ni Dr. James Olaivar, President ng Philippine Association of Private School Dentists.

 

 

Bukod dito, nagturo din ang GMA Kapuso Foundation ng tamang pagsisipilyo, paghuhugas ng kamay at pagsha-sha,poo sa ilalm ng Linis Lusog Kapusong Kabataan Project at bilang pakikiisa sa Global Handwashing Week ngaong buwan ng Oktubre.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Philippine Association of Private School Dentists, Lamoiyan Corporation, Lifestrong Marketing, Tyr Philippines, J3d Apparel, Philippine Army 7th Infantry Division, 70th Infantry Battalion, at Colgate-Palmolive Philippines sa proyekto.

Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa  iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash at Globe Rewards.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.