October 05 2021
Grade 1 student sa Catanduanes ang batang si Rimar. Dahil kapos sa pambili ng mga gamit para sa pag-aaral, gumagawa na lang ng paraan ang kanyang inang si Irma Bagadiong.
Lima kasi silang nag-aaral sa kanyang pamilya kaya sa pad paper o pinaglumaan ng mga kapatid umaasa si Rimar.
"Inaalis ko muna 'yung may mga sulat tapos tinitira ko 'yung wala pero puwede namang gamitin," kuwento ni Irma.
Bukod dito, minsan binubura na lang daw ni irma ang nakasulat sa papel para may magamit ang anak.
Sa kabila nito, isang mabuting mag-aaral pa rin si Rimar na nakakatanggap pa ng special awards sa school.
Ganito rin ang pinagdadaanan ng batang si John Albert. Nagtitiyaga muna sa gamit nang papel dahil hindi kasi sapat ang kita ng amang construction worker.
"Minsan po humihingi siya sa'kin ng papel. Sinasabi ko po pasensya na, wala tayong pambili. Maghahanap na lang ako ng scratch para may susulatan ka," kuwento naman ng kanyang inang si Sarah Jane Surban.
"Masakit po para sa akin. Parang naaawa po ako sa kanya," dagdag pa nito.
Gayunpmaan, bumabawi naman ang dalawang ina sa pagtuturo sa mga anak.
Kabilang sina Rimar at John Albert sa mahigit 800 na estudante sa Catanduanes ang hinatiran ng school supplies, hygiene kit, at face mask ng GMA Kapuso Foundation bilang bahagi ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project.
Muling nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa patuloy na pakikiisa sa proyekto ng Philippine Army Southern Luzon Command, Department of Education-Catanduanes, at Sta. Clara Shipping.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, at Globe Rewards.
Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, at Mega Mart.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus