October 02 2021
Sa ilang taong pagseserbisyo ng GMA Kapuso Foundation, laging naka agapay ang kasundaluhan. Ngayon, sila naman ang hinatiran ng tulong bilang pagsaludo sa buong pusong paglilingkod nila sa bayan.
"Nakita namin 'yung sincerity ng GMA Kapuso Foundation. Pumupunta talaga kayo sa mga liblib na lugar. You're going out of your way para tumulong," pahayag ni BGen. Kit Teofilo, Commander ng JTF-NCR.
Tuloy ang suporta ng nila sa GMA Kapuso Foundation kahit may pandemya. Kahti fully-vaccinated ang kasundaulhan hindi pa rin ligats sa banta ng virus.
"We always take it as another war, itong COVID-19. It's a battle. Kung natatakot kami? Yes. Nagkakasakit din 'yung mga sundalo natin," paliwanag ni BGen. Teofilo.
Gayunpaman, tuloy pa rin ang serbisyo nila bilang pagtupad sa sinumpaang tungkulin.
"Sa lahat po ng activity ng GMA Kapuso Foundation kami po ay nakiisa. Ito din po 'yung hangarin ng Armed Forces of the Philippines na makatulong sa ating mga kapwa," lahad ni 2Lt. Geraldine M. Gamo, Platoon Leader, 2CMOSEP, 11CMOBN, JTF-NCR.
"Mayroon kaming resources like vehicles, personnel. We are in the area itself so what better way to form a partnership. You have an army willing to go the extra mile para dalhin itong mga resoruces na 'to," bahagi ni LTC. Romolus B. Rabara, Commanding Officer, 5th IB, ID.
Bilang pagpupugay sa kanila, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng vitamins at grocery packs sa mga sundalong tinamaan ng ng COVID-19.
"Kami ay talagang na-touch doon sa effort ng GMA Kapuso Foundation. Hindi lang pala 'yung mga mahihirap ang tinutulungan niyo, pati tong mga kasundaluhan nating nagkakasakit," pasasalamat ni BGen. Teofilo.
Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa Armed Forces of the Philippines Joint Task Force-NCR, Civil Relations Service, Philippine Navy, Philippine Marine Corps, Procter and Gamble Philippines, Inc., Food Industries Inc., Rani-C, Orich International Traders Inc. sa patuloy na pakikiisa sa Operation Bayanihan.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash at Globe Rewards.
Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus