Mga pampublikong ospital sa Cavite at Laguna, hinatiran ng protective supplies ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, muling naghandog ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation sa mga pampublikong ospital sa Cavite at Laguna.

Mga pampublikong ospital sa Cavite at Laguna, hinatiran ng protective supplies ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Ayon sa World Health Organization, ang Delta variant na ng COVID-19 ang dominant variant sa bansa. Ito ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases sa bansa.

Mahigit 500 tao ang nagpapa-test sa mega swabbing facility sa Mall of Asia Arena.

"Napansin po natin na marami pong families ang nagpapa-swab, marami pong mga buntis saka 'yung mga maliliit na bata," pahayag ni PLTCOL. Jesus Ostrea III, swabbing facility administrator sa Mall of Asia Arena.

Sa Ospital ng Biñan naman, may mga kamang nakahilera sa parking lot para sa mga pasyente.

"Ginagawan na lang po namin ng paraan lahat lahat para lang po mabigay namin ang pangangailangan ng mga tao," paliwanag ni Cleofe Ramos, nurse supervisor sa nasabing ospital.

Samantala, ang chapel ng Quezon City General Hospital , ginawa na ring COVID ward at 21 hospital beds ang inilagay dito.

 

 


"We thought of opening up or using the chapel kasi bukod sa ito ay malinis, maluwag, maaliwalas, well-ventilated siya," bahagi ni Dr. Josephine Sabando, QCGH Hospital Director.

Kaya naman tuloy ang suporta ng GMA Kapuso Foundation sa mga healthcare workers.

Muling naghatid ng 7,000 pares ng rubber gloves, 1,400 piraso ng PPE, 1,400 pirasong face shield, 1,400 500 ml bottles ng ethyl alcohol, 7,000 piraso ng KN95 masks, 1,027 piraso ng germicidal soap sa mga pampublikong ospital sa Laguna at Cavite.

Kabilang dito ang Dr. Jose Rizal Memorial District Hospital (Calamba), Ospital ng Biñan, Ospital ng Cabuyao, Southern Tagalog Regional Hospital (Bacoor), Pagamutan ng Dasmariñas, Ospital ng Imus, at General Trias Medicare Hospital.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa operasyon ang Philippine Army 2nd Infantry Division, 202nd Infantry Brigade, 1st Infantry Battalion; Philippine Airforce 730th Combat Group; at International Pharmaceuticals Inc.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.