Batang may cancer, tuloy ang paggaling sa tulong ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Sa tulong ng GMA Kapuso Foundation, tuloy tuloy ang paggaling ng isang batang may cancer.  

Batang may cancer, tuloy ang paggaling sa tulong ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Madalas hindi makasama ng kanyang mga kapatid ang 6-year-old na si Deborah Faith Solon o Debby.

Labas-masok na kasi siya sa ospital simula noong siya ay 4 years old. 2019 nang mag-diagnose siya ng stage 4 neuroblastoma.

"Ito ay isang uri ng cancerous na bukol na nagmumula sa mga immature cells ng ugat o nerves," paliwanag ni Dr. Bernadette M. Cid, fellow ng pediatric hematology and oncology.

Naging beneficiary ng GMA Kapuso Foundation project na Kapuso Cancer Champions si Debby. Nahandugan siya ng high dose chemotherapy medicine sa tulong ng Go Tong Foundation.

Noong January 2020, inoperahan si Debby para tanggalin ang kanyang kaliwang kidney at kaliwang adrenal gland. Muli din siyang sumailalim sa chemotherapy.

Nagkapagbigay din ng dugo ang Philippine Red Cross kay Debby kahit na pahirapan ang pagkuha ng dugo ngayong may pandemya.

"Bumabagsak lahat, 'yung dugo niya. One week siyang nagsusuka pa," kuwento ni Marlyn Solon, ina ni Debby.

Dumating na rin sa puntong sinabihan na sila ng mga doktor na ihanda ang mga sarili dahil tila gusto nang sumuko ni Debby.

"Lagi ko na lang sinasabi, nandito tayo hindi para sumuko kundi para lumaban," pahayag ni Marlyn.

Muling binista ng GMA Kapuso Foundation si Debby at naabutan siyang masigla at nakakasama na sa kanyang mga kapatid. Tumubo na rin ang kanyang buhok.

Under montoring na rin ang kalusugan si Debby.

"Binabatayan namin kung magkakaroon ng iba pang mga complications," bahagi ni Dr. Bernadette.

"Thank yo po, Tita Mel. Thank you po sa Kapuso Foundation," pahayag ni Debby.

Kailangan pa ni Debby ng tulong para sa kanyang patuloy na paggaling.

Sa mga nais mag-abot ng tulong kay Debby at sa mga pasyenteng inaalagan sa ilaim ng proyektong Kapuso Cancer Champions, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.