GMA Kapuso Foundation, muling naghatid ng protective supplies sa mga pampublikong ospital | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Muling namahagi ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila.

GMA Kapuso Foundation, muling naghatid ng protective supplies sa mga pampublikong ospital

By MARAH RUIZ

Sa gitna ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine o ECQ, nakiki-isa ang GMA Kapuso Foundation sa pakikipaglaban ng mga bayaning healthcare workers.

Kaya naman muling namahagi ng protective supplies sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila ang GMA Kapuso Foundation.
 

 

 

Kabilang sa mga nahatiran ng supplies ang East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, Quezon City General Hospital, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital, Valenzuela Medical Center, at Navotas City Hospital.

1,000 pares ng rubber gloves, 1,000 piraso ng KN95 masks, 200 piraso ng face shields, 200 piraso ng PPE hazmat suits, 100 liters ng alcohol ang naiabot ng GMA Kapuso Foundation sa bawat ospital.

Katuwang sa pamamahagi ang Joint Task Force NCR. Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Multi-M Food Corporation, Nature's Pure, Pacific Healthcare Philippines Inc., at Rebicso Foundation Inc.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.