August 02 2021
Isa ang Mabini Elementary School sa Panganiban, Catanduanes sa mga napuruhan nang nanalasa ang super typhoon Rolly sa lugar noong Nobyembre 2020.
Dahil dito, nasira at halos hindi na makilala ang classrooms ng paaralan.
Isa ang Grade 7 student na si Marilyn Dizon sa mga mag-aaral dito. 13 years old pa lang si Marilyn, namasukan siya bilang tindera sa isang bakery para matustusan ang mga pangangailangan sa eskuwela.
"Kaya ko po 'yun ginagawa kasi may pangarap din po ako sa pamilya ko. Para din po sa future ko, para iahon sa kahirapan," pahayag niya.
Nakaipon so Marilyn ng PhP4,000 sa pagtitinda na siya niyang pinambili ng cellphone na ginagamit niya ngayon para sa online classes.
"Para din po kina kuya, para din makagamit po para sa online class po," bahagi niya.
Bilang tugon sa mga pangangailangan nina Marilyn at iba pang estudyante sa Mabini Elementary School, sinimulan ng GMA Kapuso Foundation ang pag-aayos ng silid-aralan nito nitong May 2021.
Matapos ang dalawang buwan, nai-turnover na eskuwelahan ang tatlong classrooms na ni-rehabilitate ng GMA Kapuso Foundation.
Pinatibay na ang mga ito at kayang harapin ang 300 kph na hangin at intensity 8 na lindol.
"Salamat po sa GMA Kapuso Foundation kasi 'yung mga bata po na mag-aaral ngayon, hindi na po maghihirap doon sa school 'pag umuulan," sambit ni Marilyn.
Nagpapasalamat naman ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa proyekto ng PPG Coatings Philippines Inc. para sa pinturang ginamit sa paaralan, Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command, Philippine Army-9th InfantryDivision, 51st Engineer Brigade, Catanduanes 2nd Provincial Mobile Force Company, CEMEX Philippines Foundation, Sanitec Bath and Kitchen Specialist, Yale Home Philippines, Hanabishi, Sta. Clara Shipping Lines Corporation, Bureau of Plant Industry-Manila, at DENR PENRO-Catanduanes.
Sa mga nais tumulong sa Kapuso School Development project at sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maaari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, at GCash.
Maaari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, at Mega Mart.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus