GMA Kapuso Foundation, naghandog ng pitong classrooms para sa Palta Elementary School | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Pitong classrooms ang nai-turnover na ng GMA Kapuso Foundation sa Palta Elementary School sa Virac, Catanduanes.  

GMA Kapuso Foundation, naghandog ng pitong classrooms para sa Palta Elementary School

By MARAH RUIZ

Natapos na ang pitong matitibay na classrooms ng GMA Kapuso Foundation para sa Palta Elementary School sa Virac, Catanduanes.

Bahagi ito ng Kapuso School Development Project ng GMA Kapuso Foundation.

Matatandaang isa ang Palta Elementary School sa mga hinagupit ng super typhoon Rolly noong 2020.

Kamakailan, nai-turnover na ng GMA Kapuso Foundation ang pitong Kapuso classrooms sa nasabing paaralan.

 

GMA Kapuso Foundation

 


Apat dito ay bago, habang ang tatlo naman ay ipinaayos para mas maging matibay. Kaya na nitong harapin ang 280 kph na hangin at intensity 8 na lindol.

Lubos na nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakiisa ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines, 9th Infantry Division, 51st Engineer Brigade, Catanduanes 1st Provincial Mobile Force Company ng Philippine Army, Pacific Paint (Boysen) Philippines, Inc., Sanitec Bath and Kitchen Specialist, Yale Home Philippines, Mariwasa Siam Ceramics, Inc., Hanabishi, Sta. Clara Shipping Lines Corporation, Bureau of Plant Industry Manila, at DENR PENRO Catanduanes sa proyekto.

Sa mga nais tumulong iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.