Pitong buwang buntis, kabilang sa mga Taal evacuee na natulungan ng GMA Kapuso Foundation
July 07 2021
By MARAH RUIZ
Maraming hamon ang pagdadalantao at lalo na kung may pandemya at trahedyang kinakaharap tulad na lang ng pitong buwang buntis na si Maricel Lubiano ng Laurel, Batangas.
Isa kasi siya sa mga lumikas dahil sa muling pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
"Pandemic na nga, saka butnis nga ho ako. Mahirap po [dito] sa evacuation (center)," pahayag niya.
Ganito rin ang naging karanasan nila noong huling nag-alburoto ang Taal. Enero nang nakaraang taon ay natabunan ng volcanic ash ang kanilang bahay.
"Sirang sira ho. Nagiba ho 'yung laht ng bubong tapos ang dami hong lupang itinabon," paggunita ni Maricel.
Sa isang covered court na nagsisilbing evacuation center sa Agoncillo, Batangas sila kasalukuyang namamalagi.
"Konti lang ho ang nadalang gamit dahil nagmamadali nga. Wala pa ho kaming panlatag," bahagi niya.
Ang mga 152 indibidwal sa Agoncillo, 895 sa Laurel, at 208 sa Balate ang nabigyan ng Kapuso grocery packs, N95 masks, at face shields.
Nagdala rin ang GMA Kapuso Foundation ng ready-to-cook lugaw kit na may kapares na itlog at inuming tubig para sa mga evacuees.
Katuwang sa pamamahagi at pagpapatupad ng health protocols ang Philippine Army 2ID at 202IBDE, Philippine Airforce 732nd Combat Squadron, Task Force Taal, at JTF-NCR.
Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng The North Face.
Sa mga nais magpaabot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.
Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.
Comments
comments powered by Disqus