Batang may birth defects at isang magsasaka, kabilang sa nabigyan ng prosthetic arm ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Kabilang sila sa 12 benepisyaryo ng prosthetic hand mula sa GMA Kapuso Foundation at LN-4 Foundation.

Batang may birth defects at isang magsasaka, kabilang sa nabigyan ng prosthetic arm ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Ipinanganak na walang kamay ang 9-year old na si Brix Visario, ng Aparri, Cagayan.

Masigla, masipag at positibo siya sa buhay at kaya pang gumuhit at sumulat.

"Kahit ganito ako, pinakamasaya ako," sambit ng bata.

Bukod sa kawalan ng mga kamay, may ilang pang mga kakulangan si Brix.

"Nakakapagsalita po siya kahit wala siyang dila. 'Yung mga daliri niya po sa paa ay kulang-kulang," paliwang ng kanyang inang si Nora Visario.

"Sinisigaw niya na ako ang pinakamasayang tao sa mundo kasi maraming nagmamahal [sa kanya,]" dagdag niya.

Inspirasyon din si Edison Obyas, magsasaka sa Benito Soliven, Isabela. 2001 nang maputol ang kaliwang kamay.

"Tinaga ng bayaw ko. Wala namang malalim na dahilan," paliwanag ni Edison sa kondisyon.

Tuloy naman ang ang pasisikap ni Edison para maitaguyod ang tatlong maliliit pang anak.

"Hindi po ako nawalan ng pag-asa. Hindi ako pinabayaan noong nasa taas," aniya.

 

 


Kabilang sina Brix at Edison sa 12 nabigyan ng bago at libreng prostethic arm sa pakikipagtulungan ng GMA Kapuso Foundation at LN-4 Foundation.


Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Philippine Army 5th Infantry Division, LN-4 Foundation, Naked Wolves Philippines, at The North Face sa pakikiisa sa proyektong ito.

Sa mga nais tumulong sa pagpapagawa nito at maging sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.

Maaari ding mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora at Mega Mart.