GMA Kapuso Foundation, nakapaghatid ng prosthetic hand para sa 12 benepisyaryo
July 02 2021
By MARAH RUIZ
Ngayong July, ipinagdiriwang ang National Disability Prevention and Rehabilitation Month.
Bilang paggunita dito, nagbigay ng mga libreng prosthetic hand ang GMA Kapuso Foundation para sa mga naputulan ng kamay.
Naging posible ito dahil sa nagpapatuloy na partnership ng GMA Kapuso Foundation at LN-4 Foundation.
Katuwang din dito ang Naked Wolves Philippines, isang grupo ng mga motorcycle riders na naglalakabay sa iba't ibang lugar sa bansa.
"[Misyon namin na] mai-spread sa bawat barangay or kahit na liblib na lugar na mayroon mga amputee na pwede nating mabigyan ng prosthetic arms," pahayag ni Anthony Untalan, miyembro ng Naked Wolves Philippines.
"Nag-umpisa ang partnership ng GMA Kapuso Foundation at saka LN-4 Foundation noong 2018. Gumawa tayo ng special disability project for our soldiers--'yung mga nasugatan sa Marawi. Pagkatapos noon, we expanded it. Mayroon ding mga civilians," paliwanag ni GMA Kapuso Foundation EVP and COO Rikki Escudero-Catibog.
12 beneficiaries na mula Cagayan, Isabela, Kalinga, at Tuguegarao City ang nakabitan ng prosthetic hand sa kampo ng 5th Infantry Division ng Philippine Army sa Gamu, Isabela.
"Napakadami pong nagawa ng GMA Kapuso Foundation para sa LN-4 para maipalabas itong aming kamay sa mga ibang tao," lahad ni Grace Cabato, LN-4 Foundation Ambassador to the Philippines.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Philippine Army 5th Infantry Division, LN-4 Foundation, Naked Wolves Philippines, at The North Face sa pakikiisa sa proyektong ito.
Comments
comments powered by Disqus