300 tatay sa Cavite, hinatiran ng regalo ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Bilang pagdiriwang sa nalalapit na Father's Day, naghandog ng mga regalo ang GMA Kapuso Foundation sa 300 tatay sa Cavite.

300 tatay sa Cavite, hinatiran ng regalo ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Pangangalakal ang kinabubuhay ng karamihan sa mga residente ng Brgy. Salawag sa Dasmariñas, Cavite.

 

Isa na rito ang 55-year-old na si tatay Regie Galin. Prayoridad niya ang apat na anak kaya hindi na niya naaasikaso ang sarili.

 

Regie Galin

 

Ni hindi pa raw siya nakaranas magkaroon ng bagong sapatos.

"Pulot pulot na lang po. Wala talagang pambili. Hirap na hirap po," pahayag ni Regie.

Samantala, ang ginagawa niyang pamamasura ay may pinsalang dulot sa katawan lalo na sa mga kalalakihan. Ang toxic na kapaligiran ay maaring maging sanhi ng prostate cancer.

"Ito 'yung mga tao or mga trabahador o 'yun pong nakatira sa mga certain area where in they are exposed to different chemicals that can cause, hindi lang protate cancer, kundi iba't iba din pong uri ng mga cancer," paliwanag ni Dr. Con Matele-Misenas, isang internal medicine specialist.

Ngayong palapit na Father's Day, simple lang ang hiling ni tatay regie. Nais lang niyang magkaroon ng bagong sapatos.

Kaya naman agad itong binigyang katuparan ng GMA Kapuso Foundation.

Bukod kay tatay Regie, 300 pang mga tatay sa Brgy. Salawag sa Dasmariñas, Cavite, ang hinandugan ng fully loaded Kapuso grocery packs at skincare essentials bilang regalo sa nalalapit na Father's Day.

May libre ring prostate antigen test para sa kanila.

"Ang prostate cancer ay fourth sa cause ng death sa mga lalaki sa buong mundo. Matutulungan po natin 'yung mga kalalkihan na magkaroon ng awareness [sa sakit,]" pahayag ni Dr. Matele-Misenas.

Nagpapasalamat naman ang GMA Kapuso Foundation sa World Balance, Easy Soft, Brilliant Skin Solutions, Dunkin', Health Rite Diagnostic Services, Philippine Navy Civil Military Operations Group, PNP Dasmariñas, at Brgy. Salawag.

Sa mga nais tumulong sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, PayMaya, at Shopee.