Classrooms ng GMA Kapuso Foundation sa Palta Elementary School, matatapos ngayong July | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Inaasahang ngayong July matatapos ang mga silid-aralan na pinapa-repair at pinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Palta Elementary School.

Classrooms ng GMA Kapuso Foundation sa Palta Elementary School, matatapos ngayong July

By MARAH RUIZ

Malapit nang matapos ang mga pinapaayos at pinapatayong classrooms ng GMA Kapuso Foundation sa Palta Elementary School sa Virac, Catanduanes.

Isa ang paaralan sa mga nasira ng super typhoon Rolly noong tumama ito sa Catanduanes noong nakaraang taon.

Agad itong pinuntahan ng GMA Kapuso Foundation nitong nakaraang Pebrero para sa rehabilitation ng tatlong silid at pagpapatayo ng apat na bagong classrooms.

Salamat sa bayanihan ng parents, volunteers at donors, nakatakdang matapos ang mga silid-aralan ngayong parating na Hulyo.

Isa mga parent volunteers si Romeo Balingbing, na isa ring kawani ng barangay. Simula nang mabiyudo, siya na ang tumayong ama at ina ng tatlong anak. Dalawa sa mga ito ang nag-aaral sa Palta Elementary School.

 

GMA Kapuso Foundation

 

"Para na rin ho sa mga bata na papasok pa ho rito, para mayroon naman ho silang matatag na paaralan," pahayag ni Romeo.

Kabilang sa mga ginagawa ng parent volunteers ang paghahakot at paghahalo ng semento, pagtatabas ng damo, at paglilinis ng kapaligiran ng paaralan.
 

 

Samantala, nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Pacific Paint (Boysen) Philippines, Inc., Sanitec Bath and Kitchen Specialist, Yale Home Philippines, at Sta. Clara Shipping Corporation sa pagpapapayos ng Palta Elementary School.

Sa mga nais tumulong sa rehabilitasyon ng Palta Elementary School at sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari din magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, at GCash.

Maaari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.