GMA Kapuso Foundation, ipapagawa ang classrooms na nasira ng bagyong Rolly | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Tatlong classroom sa Mabini Elementary School sa Catanduanes ang ipapagawa ng GMA Kapuso Foundation.  

GMA Kapuso Foundation, ipapagawa ang classrooms na nasira ng bagyong Rolly

By MARAH RUIZ

Hindi lang mga bahay ang napinsala ng super typhoon Rolly noong tumama ito sa Panganiban, Catanduanes noong nakaraang taon.

Nasira rin nito ang mga silid-aralan sa Mabini Elementary School kung saan nag-aaral ang tatlo sa anim na anak ng "super nanay" na si Ruby Malto.

 

 

 

Naglalabada, gumawaga ng kakanin sa gabi para itinda sa umaga, nagtatabas ng damo sa isang ektaryang lupain tatlong beses sa isang linggo si Ruby.

Lahat ng paghihirap na ito ay para sa kanyang mga anak.

"Gumagawa talaga ako ng paraan para hindi na rin nila maranasan 'yung hirap na dinanas ko po," pahayag ni Ruby.

Para sa kanya, susi ang edukasyon para sa tagumpay ng kanyang mga anak.

"Mahalaga po 'yung makapagtapos sila ng pag-aaral kahit mahirap lang po kami," paliwanag ni Ruby.

Ito rin ang paniwala ng GMA Kapuso Foundation kaya bilang tugon, ipapagawa nito ang ang tatlong silid sa eskuwelahan. Magtatayo ang foundation ng matibay na gusali na kayang labanan ang hanggnag 300 kph na hangin at intesity 8 na lindol.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation dito ang Philipine Army 9ID at 51EB, CEMEX Philippines Foundation, PPG Coatings (Philippines) Inc., Sanitech Bath and Kitchen Specialists, Planet Water Foundation, Yale Home Philippines, at Sta. Clara Shipping Corporation.

Para maipagpatuloy ang pagpapagawa ng mga classroom, nananawagan ng tulong ang GMA Kapuso Foundation.

Sa mga nais mag-abot ng tulong para pagpapagawa ng classrooms sa Mabini Elementary School at maging sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at G-Cash.

Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.