Matapos ang ilang buwan, binisita muli ng GMA Kapuso Foundation ang ilan sa kanila.
Kabilang na dito sai Eva Aquino na taga Rodriguez, Rizal. Binaha hanggang kisame ang kanyang bahay at nalubog ang lahat ng kanilang gamit noong tumama ang bagyong Ulysses.
Ngayon, unti unti na siyang nakakabangon para sa kanyang apat na anak. May mga suki na rin siyang naka-abang sa pagdaan ng kanyang bisikleta.
"Nakakadagdag po sa pandagdag na gastusin sa loob ng bahay. Gawa po nitong pandemic, hindi po tayo makapag trabaho nang normal. 'Di po normal ang ating income," pahayag ni Eva.
Samatala, tinapay vendor sa umaga at security guard sa gabi si Jose Espiritu.
Pinasok ng hanggang dibdib na baha ang kanyang bahay kaya nasira karamihan ng kanilang gamit. Dahil dito, doble kayod siya para makabawi.
"Sipag, tiyaga at konting sakripisyo. Kung hindi naman natin sasabayan ng sipag, wala pong mangyayri," ani Jose.
Napalago din niya ang kanyang negosyo dahil sa P500 tubo, napalaki pa niya ang kanyang tindahan.
Ito ngayon, 'yung grocery namin. Napakaliit lang noong una, medyo ngayon lumaki laki na rin po," bahagi niya.
Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.
Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.
Comments
comments powered by Disqus