GMA Kapuso Foundation, naghandog ng protective supplies sa 61 pampublikong ospital sa NCR Plus | GMANetwork.com - Foundation - Articles

61 pampublikong ospital sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan ang hinandugan ng protective supplies ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, naghandog ng protective supplies sa 61 pampublikong ospital sa NCR Plus

By MARAH RUIZ

Pansamantalang ginawang COVID-19 treatment facility ang Pambayang Dalubhasaan ng Marilao, isang paaralan sa Bulacan, bilang tugon sa kakulangan ng ospital doon.

Pang mild to moderate cases dapat ang pasilidad pero dahil puno na ang mga ospital sa karatig bayan, nagbibigay na rin sila ng pangunang lunas para sa severe cases.

 

GMA Kapuso Foundation

 


"Bagamat kami po'y nakakaranas ng kakulangan ng mga kagamitan ay patuloy po kaming lumalaban sa pagsugpo at pagbawas sa pagtaas ng cases ng COVID-19," pahayag ni Albert Isip, isang public health nurse.

Sa ngayon, 14 pasyente na lang ang naka-admit sa kanila.

Bilang patuloy na tulong, kabilang sila sa 61 pampublikong ospital sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan na hinandugan ng protective supplies ng GMA Kapuso Foundation.

Kabilang sa mga naibigay sa mga ospital ang 120,500 pares ng rubber gloves, 12,100 hazmat PPE suits, 12,100 face shields, 12,100 bote ng 500ml 70% isopropyl alcohol, 85,000 face masks, 15,500 KN95 masks, 2,000 bote ng Domperidon syrup, 2,000 ampules ng hyoscine, 4,400 piraso ng Lemon Square Cheesecake, 37,800 piraso ng Lola Remedios, 100 bote ng ng 500ml bottled water, 100 piraso ng Goldilocks mamon, 12,000 piraso ng donuts mula sa Dunkin', 1,800 piraso ng Tiger Biscuits, at 3,060 pirasong germicidal soap.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Philippine Army 7ID at 70IB, Dunkin', Activex Anti-Germ Soap, at Kapuso Actress Carla Abellana sa pagpapatuloy na proyekto.

Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.