May 18 2021
Ang Laguna ang ikatlo, habang ikalima naman ang Bulacan sa may pinakamaraming bagong COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) Plus base sa tala ng Department of Health (DOH).
Bilang suporta sa mga pampublikong ospital sa mga lugar na ito, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng libo-libong protective supplies para sa mga frontliners nila.
Dito nakilala ng GMA Kapuso Foundation si Raymond Joseph Macayan, isang health worker na nakahanap ng pag-ibig sa gitna ng pandemya.
Dalawang taon nang staff nurse sa Laguna Provincial Hospital-San Pedro District Hospital si Raymond. Nag-volunteer din siya bilang swabber sa COVID-19 facility ng ospital.
"Nag-positive po ako noong September 29. Marami lang po ako kasi [na-swab] noon na lampas po 50 percent ang nag-positive," kuwento ni Raymond.
Bumalik siya kaagad sa serbisyo matapos maka-recover. Dito na niya nakilala si Krisha, isang nursing aide na assigned sa kanilang COVID-19 facility.
"Katulong po namin siya sa pagha-handle po ng emergency cases. Lagi kaming madalas po na magka-duty," paliwanag ni Raymond sa pagkakamabutihan nila.
Naging pagsubok sa kanilang umuusbong na relasyon ang muling pagpa-positive ni Raymond sa COVID-19 nito lamang April. Suwerte namang muli niyang nalampasan ang sakit.
Pero nitong May 10, si Krisha naman ang tinamaan ng virus at kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa isang quarantine facility.
"Hi Bubba! Ingat ka lagi diyan sa labas. Isuot mo nang maayos 'yng PPE mo. See you after a week!" masiglang pahayag ni Krisha para sa nobyo.
Para maprotekthan ang mga tulad nina Raymond at Krisha, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng mga protective supplies para sa sampung pampublikong ospital sa Bulacan at Laguna.
Kabilang dito ang Ospital ng San Jose del Monte, Bulacan Medical Center, Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital, Meycauayan General Hospital, Marilao Municipal Health Office RHU-1, San Rafael Rural Health and Community Hospital, Dr. Jose Rizal Memorial District Hospital, Sta. Rosa Community Hospital, Laguna Provincial Hospital-San Pedro District Hospital, Ospital ng Biñan, at Ospital ng Cabuyao.
Kabilang sa mga ipinaabot sa mga ospital ang: 2,100 pirasong PPE hazmat suits, 2,100 face shields, 2,100 bote ng alcohol, 15,500 pares ng rubber gloves, 15,500 piraso ng KN95 masks, 19,800 piraso ng Lola Remedios, 1,800 packs ng Tiger Biscuits, 3,060 piraso ng germicidal soap, 100 kahon ng isang dosenang donuts mula sa Dunkin'.
Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa operasyon ang Philippine Army 2ID at 1IB, Lifebuoy, Dunkin', at Tiger Crackers.
Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya at GCash.
Maari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus