GMA Kapuso Foundation, magpapatayo ng apat na classroom para sa mga katutubong Agta | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Magpapatayo ng apat na silid-aralan ang GMA Kapuso Foundation sa Sto. Niño, Cagayan para sa mga katutubong Agta.

GMA Kapuso Foundation, magpapatayo ng apat na classroom para sa mga katutubong Agta

By MARAH RUIZ

Bilang pagpapahalaga sa kinabukasan ng mga kabataan, magpapatayo ang GMA Kapuso Foundation ng apat na classrooms para sa mga katutubong Agta sa Sto. Niño, Cagayan.

Idinaos na ang groundbreaking ceremony sa dalawang magkaibang lugar kung saan magpapatayo ng Kapuso schools na may tig-dalawang classrooms.

 

 

"Ang GMA Kapuso Foundation, priority talaga niya, ito 'yung mga nakakalimutan, hindi natutulungan dahil mahirap maabot," pahayag ni GMA Kapuso Foundation EVP and COO Rikki Escudero-Catibog.

Nagpapasalamat naman ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng New Zealand Embassy, PPG Coatings (Philippines) Inc., Holcim Philippines Inc., Isuzu Philippines Corporation, Manila Water Foundation, Sanitec Bath and Kitchen Specialist, Dwighsteel (Roofing) at Yale Home Philippines sa proyekto.

Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.

Maaari rin mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.