GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong Hospicio de San Jose | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng 200 relief packs at protective supplie sa Hospicio de San Jose.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong Hospicio de San Jose

By MARAH RUIZ

Tinamaan ng COVID-19 ang 15 staff, anim na elderly residents, at dalawang student volunteers ng Hospicio de San Jose kamakailan.

Ikinagulat daw ito ng pamunuan ng bahay-ampunan dahil March 2020 pa lang, naka-lockdown na sila.

May striktong health and safety protocols din na sinusundan ang mga kinukupkop dito.

Dahil dito, nanawagan ng tulong at suporta ang bahay-ampunan.

Katuwang ang AFP Joint Task Force NCT, agad na tumugon ang GMA Kapuso Foundation sa panawagan ng Hospico de San Jose.

Hatid ng GMA Kapuso Foundation sa bahay-ampunan ang 200 relief packs na may 400 kg ng bigas, 800 lata ng sardinas, 1,000 piraso ng noodles, 200 packs ng Tiger biscuits, at 17 kahon ng 1 liter mineral water.

Bukod dito, naghandog din ang GMA Kapuso Foundation ng 476 piraso ng diapers, 100 bote ng alcohol, 200 piraso ng KN95 face masks, at 200 piraso ng face shields.

Ayon sa pamunuan ng Hospicio de San Jose, nananatiling bukas ang kanilang tanggapan. Sa mga nais mag-adopt, maari silang ma-kontak sa mga sumusunod na paraan.

 

Hospicio de San Jose

 

Samantala, sa mga nais mag-abot ng tulong para sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
http://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate

 

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.