April 15 2021
Taong 2011, nang makilala ng GMA Kapuso Foundation ang Pamilya Clores mula sa Caramoan, Camarines Sur.
Sa apat na magkakapatid, tatlo ang may congenital hereditary endothelial dystrophy, isang kundisyon na lubhang nagpapalabo ng paningin.
Sa tulong ng Eye Bank Foundation of the Philippines at ni Dr. Tonton Pascual, pati na ng Ospital ng Maynila Medical Center at iba pang donors, napa-operahan ng GMA Kapuso Foundation ang dalawa sa tatlong magkakapatid.
"Kung mayroon po kayong kamag-anak who just recently passed away, puwede pong kunin 'yung cornea within 12 hours of death. Ito ay makakabigay paningin pa sa ibang mga tao," paghihikayat ni Dr. Tonton Pasucal, isang opthalmologist at cornea and external disease specialist.
Matapos ang sampung taon, binisita ng GMA Kapuso Foundation sina Rayven at Roildan Clores. Hirap man silang magbasa noon, nagayon naman ay nakakapag-uwi na sila ng mga medalya mula sa eskuwelahan.
"Hindi na po ako nahihiyang makipagkaibigan at confident na rin po ako sa sarili ko," kuwento ni Roildan na ngayon ay 18 years old na.
"Nagpapasalamat po ako sa GMA Kapuso Foundation, kay Dra. Pascual," sambit naman ni Rayven, 17 yeards old.
Ngayon ang kanilang bunsong kapatid na si Kim naman ang may problema sa paningin.
"Pinipicturan niya po kasi 'yung babasahin niya, ididikit talaga sa mata," paliwanag Rosalinda Clores, ina ng magkakapatid.
"Corneal transplant will give her the chance to have clearer vision," lahat ni Dr. Pasucal
"Sana po, mabigyan niyo po ako para po makapag-aral na po ako nang mabuti," ani Kim.
Sa mga nais tumulong kay Kim at sa mga nais maging eye donor, maaring makipag ugnayan sa Eye Bank Foundation of the Philippines sa mga numerong 0917-893-5995 at (02) 8-714-6996. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang website na eyebankphil.org.
Maaari rin ipa-abot ang inyong donasyon sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.
Maaari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus