February 08 2021
Apat na bagong silid-aralan ang ipapatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Palta Elemetary School sa Virac, Catanduanes.
Bukod dito, dalawang classroom pa ang ipaaayos at pagagandahin ng Foundation dito.
Isa mga mga alumni ng paaralan si Angelita Dominguez na may siyam na anak.
Lahat ng maaaring pagkakitaan ay pinapasok niya para matustusan ang mga pangangailangan ng mga ito.
Kabilang siya at ang kanyang pamilya sa mga nasalanta ng bagyong Rolly noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Kaya naman mula sa pagsisibak at pagbebenta ng kahoy, pagtitinda ng isda at paglalaba ay ginagawa niya para makabangon ang kanyang pamilya.
"Lahat kinakaya ko para sa mga anak ko. 300 maghapon, sinasapat ko sa pamilya ko," pahayag ni Angelita.
May simpleng pangarap din daw siya sa kanyang mga anak.
"Napaka simpleng bagay lang, makatapos ng pagaaral at makapagtrabaho. Para din sa kanila 'yan," aniya.
Dahil mahalaga sa GMA Kapuso Foundation ang edukasyon at kinabukasan ng mga bata, idinaos na nito ang groundbreaking ceremony sa Palta Elementary School kung saan nag-aral si Angelita.
Dito rin kasalukuyang nag-aaral ang apat sa kanyang mga anak.
"Education is one of the things that we really support in GMA Kapuso Foundatuon. Talagang tayo ay gumagawa ng mga classroom, ng mga eskuwelahan sa iba't ibang parte ng Pilipinas na tinamaan ng mga kalamidad," pahayag ni GMA Kapuso Foundation EVP and COO Rikki Escudero-Catibog.
Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyekto ang AFP Southern Luzon Command at Philippine Army 9ID at 83rd IB.
Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa DepEd Division of Catanduanes Province at Catanduanes LGU of Virac.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at PayMaya.
Maaari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee at Zalora.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus